Covid-19 cases ngayong araw lumampas na sa 173,000

Pumalo na sa 173, 774 ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y matapos makapagtala ng panibagong 4,650 mga kaso.

Mula sa nasabing bilang, 57,498 ay mga active cases; 91.4 % ay mild; 6.5% ang asymptomatic; 0.9% ang severe at 1.2% ang critical.

Pinamakarami pa ring kaso ay nagmula sa Metro Manila na pumalo sa 3,092; sinundan ng Cavite na may 249; Laguna-194; Rizal-189 at Bulacan-136.

Samantala, naitala naman sa 113, 481 ang recovered cases matapos maragdag ang nasa 716 mga gumaling sa sakit.

At ang bilang ng mga namatay ay tumaas sa 2,795 matapos maragdag ang 111 mga pumanaw.

Please follow and like us: