Covid-19 cases ngayong araw, naitala ng DOH sa 489,736

Umabot na sa 489 736 ang kabuuang bilang ng covid 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 22 114 lamang ang aktibong kaso. May 2 052 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 140 new cases, Quezon City na may na may 93 new cases, Cavite na may 87 new cases, Laguna na may 83 new cases at Maynila na may 67 new cases.

Mayroon namang 10 na naitalang bagong gumaling mula sa virus. Dahil rito, umabot na sa 458 206 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 11 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9 416 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: