Covid-19 cases sa bansa, naitala sa 319,330 ngayong araw

Pumalo na sa 319, 330 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,674 na mga bagong virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,046 new cases.

Sinundan ng Cavite na may 257 new cases, Rizal na may 165 new cases, Batangas na may 137 new cases at Laguna na may 121 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 459 na bagong mga gumaling mula sa Covid-19.

Dahil dito umakyat na sa 255,046 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.

Nakapagtala naman ang ngayong ng 62 na bagong nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 2 ang nasawi ngayong Oktubre, 47 noong Setyembre, 6 noong Agosto, 5 noong Hulyo, isa noong Hunyo at isa noong Mayo.

Sa ngayon, pumalo na sa 5,678 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid -19.

May 22 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid- 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: