Covid-19 cases sa bansa ngayong araw – 197,164…new cases – 2,965

Pumalo na sa kabuuang 197, 164 ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.

Ito’y matapos makapagtala ng panibagong 2,965 kumpirmadong kaso ang Department pf Health (DOH).

Ito ay batay sa total test na isinagawa ng 86 mula sa 109 na operational testing laboratories.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH na panibagong 368 mga nakarekober sa sakit.

Dahil dito, pumalo na sa 132, 396 ang total recoveries sa bansa.

Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na kaso na 1,430 o 59% sa kabuuang kaso.

Region 4A – 395 cases o 16% of total cases

Region 3- 218 o 9% of total cases.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us: