Total Covid-19 cases sa bansa: 217, 396

Umakyat pa sa 217, 396 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito’y matapos maragdag ang panibagong 4,284 kumpirmadong kaso.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay batay sa 100 test na isinagawa mula sa 110 operational laboratories.

Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas pa ring kaso na nasa 1,906.

Sumunod ang Region 4A na may 758 bagong mga kaso at pangatlo ang mga Returning Overseas Filipino na nasa 287 cases.

Samantala, nakapagtala naman ng bagong mga nakarekober sa sakit na umakyat na sa 157, 403 dahil sa naragdag na 22,319 na mga gumaling sa karamdaman.

Please follow and like us: