Covid-19 cases sa bansa, Pumalo na sa 269,407

Umakyat na sa 269 407 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3 544 infection. Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 690 new cases.

Sinundan ng Cavite na may 305 new cases, Rizal na may 201 new cases, Negros Occidental na may 173 new cases at Bulacan na may 98 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 395 na bagong gumaling mula sa covid 19.

Dahil dito umakyat na sa 207 352 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid 19 sa bansa.

Nakapagtala ang DOH ng 34 na bagong nasawi ang DOH dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 29 ay nasawi ngayong Setyembre, 3 noong Agosto, 1 noong Mayo, at 1 noong Abril.

Sa ngayon, pumalo na sa 4 663 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.

May 25 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: