Covid-19 cases sa bansa , pumalo na sa 272,934

Umakyat na sa 272 934 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3 550 infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1 459 new cases.

Sinundan ng Rizal na may 271 new cases, Cavite na may 196 new cases, Bulacan na may 172 new cases at Laguna na may 172 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 524 na bagong gumaling mula sa covid 19.

Dahil dito umakyat na sa 207 858 kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid 19 sa bansa.

Nakapagtala ang DOH ng 69 na bagong nasawi ang DOH dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 34 ay nasawi ngayong Setyembre, 18 noong Agosto,10 noong Hulyo, 4 noong Hunyo, 2 noong Mayo, at 1 noong Abril.

Sa ngayon, pumalo na sa 4 732 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.

May 23 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: