COVID -19 cases sa bansa , umabot na sa 502,736

Pumalo na sa 502,736 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 26,839 lamang ang aktibong kaso.

May 2,163 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 134 new cases, Cagayan na may na may 100 new cases, Quezon City na may 99 new cases, Leyte na may 93 new cases at Cavite na may 75 new cases.

Mayroon namang 2 lamang na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 465,988 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 14 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,909 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: