Covid-19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 252,000

Umakyat na sa 252,964 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,040 mga bagong kaso virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,813 new cases.

Sinundan ng Cavite na may 435 new cases, Rizal na may 218 new cases, Bulacan na may 195 new cases at Laguna na may 171 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 566 na bagong gumaling mula sa Covid- 19.

Dahil dito aabot na ngayon sa 186,606 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.

May 42 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 25 ay nasawi ngayong Setyembre, 11 noong Agosto, 2 noong Hulyo, 1 noong Hunyo at 3 noong Abril.

Sa ngayon, pumalo na sa 4,108 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.

May 23 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: