COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 513,000

Pumalo na sa 513,619 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,765 lamang ang aktibong kaso. 

May 1,949 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health. 

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 99 new cases, Quezon City na may 98 new cases, Cavite na may 74 new cases, Baguio City na may 73 new cases at Leyte na may 63 new cases. 

Mayroon namang 7,729 na naitalang bagong gumaling mula sa virus. 

Dahil rito, umabot na sa 475,612 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19. 

May 53 naman na bagong nasawi dahil sa virus. 

Sa ngayon umabot na sa 10,242 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: