COVID – 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 555 libo

Umakyat na sa 555,163 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 31,115 lamang ang aktibong kaso.

May 1,744 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 412 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 512,375 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 96 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 11,673 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: