COVID 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 563,000

Umakyat na sa 563,456 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 28,488 lamang ang aktibong kaso.

May 2,288 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 33 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 522,874 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 6 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,094 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo