COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 564 libo

Umakyat na sa 564,865 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 29,917 lamang ang aktibong kaso.

May 1,414 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 72 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 522,941 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 16 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,107 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo