COVID-19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 571,000

Umakyat na sa 571,327 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 34,498 lamang ang aktibong kaso.

May 2, 651 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 561 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 524,582 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 46 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,247 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: