COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 580 libo

Umakyat na sa 580,442 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 33,610 lamang ang aktibong kaso.

May 2, 067 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 144 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 534, 463 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 47 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,369 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: