COVID 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 582,000

Umakyat na sa 582,223 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 35,056 lamang ang aktibong kaso.

May 1,783 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 330 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 534, 778 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 20 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,389 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: