COVID -19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 587 na libo

Umakyat na sa 587,704 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 40,074 lamang ang aktibong kaso.

May 3,045 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 178 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 535,207 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 19 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,423 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: