COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 607 libo

Umakyat na sa 607,048 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 47,769 lamang ang aktibong kaso.

May 3, 749 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 406 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 546, 671 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 63 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,608 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: