COVID-19 cases sa bansa umakyat 407,838

Pumalo na sa 407, 838 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 25,677 lamang ang aktibong kaso.

May 1,530 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 90 new cases, Rizal na may 84 new cases, Manila na may 79 new cases, Davao City na may 78 new cases, at Taguig City na may 73 new cases.

May 11,290 naman na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 364,329 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 41 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,832 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: