Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 304, 226

Umakyat na sa 304, 226 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay matapos maragdag ang panibagong 2,995 mga kaso sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, inanunsyo rin ng DOH na nakapagtala rin sila ng panibagong 19,630 bilang ng mga gumagaling sa karamdaman.

Dahil dito, umakyat na sa 252, 510 ang total recoveries sa Covid-19 sa bansa.

Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming nadaragdag na kaso na nasa 956 o 35%; Region 4A na nasa 667 o 25% at Region 3 na ansa 344 o 13% ng bagong mga kaso.

Please follow and like us: