Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 316,678

Pumalo na sa 316 ,678 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,611 bagong virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,084 new cases.

Sinundan ng Cavite na may 202 new cases, Iloilo na may 182 new cases, Bulacan na may 163 new cases at Rizal na may 132 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 416 na bagong gumaling mula sa Covid- 19.

Dahil dito umakyat na sa 254,617 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.

Nakapagtala naman ang DOH ng 56 na bagong nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 43 ay nasawi ngayong Setyembre, 6 noong Agosto, 5 noong Hulyo, 1 noong Mayo at 1 noong Abril.

Sa ngayon, pumalo na sa 5,616 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.

May 12 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid- 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: