Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 339,341; DOH, nakapagtala ng bagong 2,502 kaso

Umakyat na sa 339, 341 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito’y matapos maragdag ang bagong 2,502 mga kaso sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa bilang na ito, 83 percent ang mild cases, 11.2 percent ay asymptomatic. 1.8 percent ang severe at 3.9 percent ang critical.

Mula sa naitalang mga bagong kaso, 782 ay mula sa Metro Manila, 141 ay mula sa Rizal, 128 -Laguna, 125- Cavite at 119- Bulacan.

Sumampa rin sa 293,075 ang mga nakarekober matapos makapagtala ng 17,057 bagong mga gumaling sa karamdaman.

Samantala, nakapagtala naman ng karagdagan pang 83 mga pumanaw sa karamdaman kaya pumalo na sa 6,321 ang death toll sa Covid- 19.

Please follow and like us: