Covid -19 cases sa bansa , umakyat na sa 356,618

Umakyat na sa 356,618 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases ang naitala sa bansa.

Bumaba naman sa 39,808 ang active cases.

Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 2,379 bagong kaso ng virus infection.

Sa listahan naman ng top provinces na may pinakamataas na kaso ng Covid-19 ay nanguna ang Quezon City na may 172 new cases, Rizal na may 147 new cases, Bulacan na may 136 new cases, Caloocan City na may 117 new cases at Cavite na may 101 new cases.

May naitala namang 14,941 na bagong gumaling mula sa covid 19.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 310,158 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 50 namang naitalang bagong nasawi dahil sa Covid-19.

Ang 18 rito ay nasawi noong Oktubre, 14 noong Setyembre, 8 noong Agosto, 6 noong Hulyo, at 4 noong Hunyo Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,652 na ang nasawi sa bansa dahil sa Covid-19.

May 99 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.

Madz Moratillo
Please follow and like us: