COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa 376,935

Umakyat na sa 376,935 ang kabuuang bilang ng COVID -19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,761 na bagong kaso ng COVID-19.

Kabilang naman sa mga lungsod at lalawigan na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 85 new cases, Rizal na may 74 new cases, Caloocan City na may 73 new cases, Davao City na may 70 new cases at Laguna na may 69 new cases.

May naitala namang 740 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

Dahil rito, umabot na sa 329,848 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.

MaY 33 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,147 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: