COVID-19 cases sa bansa , umakyat na sa 391,809

Umakyat na sa 391,809 ang kabuuang bilang ng covid 19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos may maitalang 2,902 na bagong kaso ng virus infection ang Department of Health.

Umabot naman sa 34,374 ang bilang ng aktibong kaso.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 129 new cases, Quezon City na may 100 new cases, Quezon na may 83 new cases, Northern Samar na may 82 new cases at Cavite na may 80 new cases.

Umakyat naman na sa 349,974 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 462 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 52 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,461 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: