COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa 434,357

Umabot na sa 434,357 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, nasa 26,916 lamang ang aktibong kaso.

May 1,438 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 142 new cases, Laguna na may 89 new cases, Quezon City na may 80 new cases, Manila na may 63 new cases, at Pampanga na may 58 new cases.

Mayroon namang 232 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 399,005 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 18 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,436 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: