COVID- 19 cases sa bansa , umakyat na sa 464,004

Umabot na sa 464,004 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 24,984 lamang ang aktibong kaso.

May 1,196 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 123 new cases, Rizal na may 84 new cases, Maynila na may 74 new cases, Davao City na may 54 new cases at Batangas na may 49 new cases.

Mayroon namang 564 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 429,972 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 27 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,048 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: