COVID – 19 cases sa bansa umakyat na sa 478,000

Umabot na sa 478,761 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 21,219 lamang ang aktibong kaso.

May 959 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 73 new cases, Davao City na may na may 70 new cases, Rizal na may 58 new cases, Agusan del Sur na may 44 new cases at Laguna na may 41 new cases.

Mayroon namang 26 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 448,279 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 6 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,263 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: