COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 371,000

May 1,607 na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Dahil rito, umakyat na sa 371,630 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 90 new cases, Cavite na may 88 new cases, Rizal na may 74 new cases.

Habang kapwa naman may 68 new cases ang Negros Occidental at Quezon.

Umakyat naman na sa 328,258 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 245 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 62 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,058 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: