COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 373,000

May 1,524 na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Dahil rito, umakyat na sa 373,144 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Negros Occidental na may 115 new cases, Cavite na may 76 new cases, Benguet na may 72 new cases, Quezon City na may 67 new cases at Laguna na may 65 new cases.

Umakyat naman na sa 328,602 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 353 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 14 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,053 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: