COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 385,000

Umakyat na sa 385,400 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos may maitalang 2,298 na bagong kaso ng virus infection ang Department of Health.

Umabot naman sa 29,301 ang bilang ng aktibong kaso.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Benguet na may 188 new cases, Davao City na may 166 new cases, Rizal na may 119 new cases, Quezon City na may 116 new cases at Bulacan na may 91 new cases.

Umakyat naman na sa 348,830 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 87 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 32 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,269 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: