COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 387,000

Umakyat na sa 387,161 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos may maitalang 1,772 na bagong kaso ng virus infection ang Department of Health.

Umabot naman sa 30,876 ang bilang ng aktibong kaso.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Pampanga na may 154 new cases, Quezon City na may 115 new cases, Laguna na may 83 new cases, Baguio City na may 70 new cases at Manila na may 69 new cases.

Umakyat naman na sa 348,967 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 153 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 49 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,318 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: