COVID-19 cases sa Phl, mahigit 398,000 na

Umakyat na sa 398,449 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 29,018 lamang ang aktibong kaso.

May 2,058 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 103 new cases, kapwa naman may 81 new cases ang Davao City at Maguindanao, may 77 new cases naman ang Quezon City, at 76 new cases sa Cavite.

May 182 naman na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 361,784 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 108 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,647 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: