COVID-19 cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 400,000

Pumalo na sa 402, 820 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 32,682 lamang ang aktibong kaso.

May 1,407 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 214 new cases, kapwa naman may 75 new cases ang Eastern Samar at Rizal, may 64 new cases naman ang Cavite, habang 54 new cases naman ang Quezon.

May 211 naman na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 362,417 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 11 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7, 721 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: