COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 410,000

Pumalo na sa 410 ,18 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 28,313 lamang ang aktibong kaso.

May 1,148 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 88 new cases, Quezon City na may 52 new cases, Rizal na may 46 new cases, kapwa naman may 44 new cases ang Baguio City at Maynila.

Mayroon namang 186 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 374,543 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 23 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,862 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: