COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 415,000

Pumalo na sa 415,067 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 31,805 lamang ang aktibong kaso.

May 1,639 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 113 new cases, Laguna na may 76 new cases, kapwa naman may 75 new cases ang Quezon City at Rizal, habang may 63 new cases ang Cavite.

Mayroon namang 305 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 375,237 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 27 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,025 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: