COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 420,000

Umabot na sa 420,614 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito ay 25,837 lamang ang aktibong kaso.

May 1,799 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 154 new cases, Rizal na may 114 new cases, Quezon City na may 99 new cases, Bulacan na may 76 new cases at Laguna na may 67 new cases.

Mayroon namang 135 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 386,604 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 50 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,173 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: