COVID- 19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 421,000

Umabot na sa 421,722 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito ay 26,745 lamang ang aktibong kaso.

May 1,118 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Caloocan City na may 89 new cases, kapwa naman may 52 new cases ang Davao City at Laguna, may 47 new cases naman ang Quezon, at 46 new cases sa Quezon City.

Mayroon namang 196 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 386,792 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 12 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,185 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: