COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 422,000

Umabot na sa 422,915 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito ay 27,745 lamang ang aktibong kaso.

May 1,202 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 137 new cases, Quezon City na may 68 new cases, Batangas na may 58 new cases, Laguna na may 54 new cases at Cavite na may 47 new cases.

Mayroon namang 183 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 386,955 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 31 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,215 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: