COVID – 19 cases sa bansa ,umakyat na sa mahigit 449,000

Umabot na sa 449,400 ang kabuuang bilang ng COVID – 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 21,980 lamang ang aktibong kaso.

May 1,085 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 103 new cases, Rizal na may 46 new cases, Makati na may 44 new cases, Manila na may 43 new cases at Pasig na may 39 new cases.

Mayroon namang 9,269 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 418,687 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 3 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,733 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: