COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 456,000

Umabot na sa 456,562 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,021 lamang ang aktibong kaso.

May 2,122 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 160 new cases, Rizal na may 105 new cases, Bulacan na may 91 new cases, Makati na may 83 new cases at Davao City na may 79 new cases.

Mayroon namang 778 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 420,666 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 25 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8 , 875 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: