COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 462,000

 

Umabot na sa 462,815 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 24,375 lamang ang aktibong kaso. 

May 1, 721  naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.  

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon  City na may 93 new cases, Rizal na may 89 new cases, Benguet  na may 78 new cases, Bulacan na may 61 new cases at Davao City na may 60 new cases. 

Mayroon namang 247 na naitalang bagong gumaling mula sa virus. 

Dahil rito, umabot na sa 429,419  ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19. 

May 66 naman na bagong nasawi dahil sa virus. 

Sa ngayon umabot na sa 9,021 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: