COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 467,000

Umabot na sa 467,601 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,748 lamang ang aktibong kaso.

May 1,885 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 130 new cases, Bulacan na may 122 new cases, Davao City na may 99 new cases, Rizal na may 78 new cases at Leyte na may 63 new cases.

Mayroon namang 307 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 430,791 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 7 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9, 062 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: