COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 483 na libo

Umabot na sa 483,852 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 25,158 lamang ang aktibong kaso.

May 1,776 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Bulacan na may 99 new cases, Davao City na may na may 96 new cases, Quezon City na may 83 new cases, Rizal na may 80 new cases at Laguna na may 64 new cases.

Mayroon namang 285 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 449,330 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 8 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,364 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: