COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 492 na libo

Umabot na sa 492,700 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 24,478 lamang ang aktibong kaso.

May 1,453 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 95 new cases, Cavite na may na may 66 new cases, Maynila na may 54 new cases, Davao City na may 50 new cases at Cebu City na may 44 new cases.

Mayroon namang 397 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 458,523 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 146 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,699 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: