COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 494 na libo

Umabot na sa 494,605 ang kabuuang bilang ng COVID -19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 25,614 lamang ang aktibong kaso.

May 1,912 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 136 new cases, Quezon City na may na may 107 new cases, Agusan del Sur na may 61 new cases, Dagupan City na may 57 new cases at Cavite na may 54 new cases.

Mayroon namang 746 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 459,252 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 40 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9, 739 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: