COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 514 na libo

Umakyat na sa 514,996 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 29,282 lamang ang aktibong kaso.

May 1,581 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 89 new cases, Cebu City na may 88 new cases, Cavite na may 80 new cases, Davao City na may 78 new cases at Cebu na may 50 new cases.

Mayroon namang 13 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 475,422 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 50 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10 , 292 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: