COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 518,000

Umakyat na sa 518,407 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 32, 384 lamang ang aktibong kaso.

May 2,245 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Baguio City at Cebu City na kapwa may 121 new cases, may 102 new cases naman ang Davao City, may 87 new cases naman ang Quezon City at 81 new cases ang Pangasinan.

Mayroon namang 140 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 475,542 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 95 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,481 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: