COVID 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 519 na libo

Umakyat na sa 519, 575 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 33,427 lamang ang aktibong kaso.

May 1,169 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 57 new cases, Isabela na may 54 new cases, at tig 42 new cases naman ang Maynila, Davao City at Rizal.

Mayroon namang 60 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 475,596 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 71 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,552 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: