COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 527,000

Umakyat na sa 527,272 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 28,891 lamang ang aktibong kaso.

May 1,658 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 27 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 487,574 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 58 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,807 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: